Accident

1 balyena natagpuang patay sa Kamakura shi, Kanagawa prefecture

Isang patay na balyena ang natagpuan sa baybayin n Kamakura city, Kanagawa prefecture.

Ayon sa mga pulis, nakatanggap umano sila ng report mula sa hotline 110 na meron daw isang balyena namataan sa nabanggit na lugar dakong alas 2:30 ng hapon. Rumesponde ang mga pulis sa nasabing report at kanilang natagpuan ang isang balyena na may humigit kumulang 10 metro ang haba at palutang lutang sa nasabing babayin.

Sa ngayon, 2 kalapit na aquarium officials ang nagiimbestiga upang matukoy kung anong klaseng balyena ito at ang sanhi ng pagkamatay nito.

 

 

1 balyena natagpuang patay sa Kamakura shi, Kanagawa prefecture
To Top