Crime

170 NA BIKTIMA NG PORNOGRAPHY AT PEDOPHILIA

6 na katao kasali na ang isang teacher sa primary education (shougakkou) at isang nurse, ang naaresto dahil sa pagsagawa ng kalaswaan sa mga bata sa event na na-video. Karamihan sa mga batang nabiktima sa nasabing event ay nasa elementary school (shougakkou) hanggang highschool (chugakkou).

Sa kada event ay may mga nasa 100 na bata. Ang mga bata ay ganado na mag participate para ma enjoy ang kalikasan at ang mga magulang naman ay may tiwalang iniwan sa pangangalaga ng nga professionals ang kanilang mga anak. Subalit, ang totoo ay hindi naging ganito, ang mga lalaking ito ay pinagsamantalahan ang pagkakataon.

Isang teacher din ang inaresto dahil sa pag record ng mga images sa kanyang camera na nakadikit sa kanyang relo. Ang mga lalaking ito ay kumuha ng video, nagpicture at pinagkalat nila sa kanilang mga miyembro. Lahat ng anim na suspekt ay interesado sa mga batang lalaki.

Iniimbestigahan pa din ng pulis kung may mga iba pang kasabwat sa krimen na ito sa buong Japan.

Source: ANN News

To Top