News

2 katao kamuntikan ng malunod sa ilog ng Akiruno,Tokyo

Isang 26-anyos na lalaki ang nagtatampisaw sa ilog ng Akiruno, Tokyo at isang bata edad 7 anyos ang nalunod . Nawalan ng malay ang lalaki ngunit pareho silang nailigtas ng kanilang mga kasamahan.

Ang 26 anyos na lalaki ay nalunod sa Akikawa dakong 11:30 noong ika-11 ng Agosto nitong taon. Agad naman syang naisalba ng kasamahan na noon ay nagiihaw malapit sa ilog, ngunit napakabigat umano ng biktima ayon rito.

Ayon sa mga pulis, Lumangoy umano ang lalaking biktima upang magpababa ng tama sa ilog, samantala pagkatapos ng 1 oras sumunod namang kamuntikang malunod ang 7-anyos na batang babae na noo’y naglalaro lamang sa ilog sa may 200 meters ang layo mula sa lalaki. Mabuti na lamang at alerto ang ina ng batang babae na nasa edad 40 anyos na at ang kapatid nitong 10-anyos na lalaki at agarang naisalba ang batang babae sa kapahamakan.

Wala namang naitalang injury sa 2 ngunit dinala pa rin sila sa malapit na pagamutan dahil nakainom umano ang 2 ng tubig mula sa ilog.

Source: ANN News

2 katao kamuntikan ng malunod sa ilog ng Akiruno,Tokyo
To Top