General

3 Internationally recognized Philippine Based Banks na may Money Transfer Service sa Japan

Photo credit: Got Credit

Iisa lamang ang pamantayan kung ikaw ay magpapadala ng pera para sa iyong mga pamilya, kamag-anak, o kaibigan sa Pilipinas. Dapat mong tiyakin na ito ay siguradong mapapasakamay ng mga taong dapat tatanggap. Ang serbisyo ay dapat ding mabilis.  Kaya mag-padala lamang ng pera sa mga authorized money transfer service companies.  Ilan sa mga mapagkatiwalaan ay mga Philippine based banks at money transfer services na may opisina sa Japan. Heto ang tatlo sa mga ito:

 

Philippine National Bank (PNB)

pnb money transfer service japan

Dapat ninyong basahin ang mga alituntunin hinggil sa pagpadala ng pera gaya ng konbersiyon ng pera mula Yen to US Dollars to Philippine Peso.  Maari kayong pumunta sa Tokyo branch ng PNB sa 1st Floor Mita 43 MT Bldg., Mita Minato-ku, Tokyo tuwing Lunes hanggang Biyernes mula 9:00 AM hanggang 3:00PM at tuwing Linggo mula 10:00 hanggang 3:00PM. Sarado ang PNB Tokyo tuwing Sabado at mga araw na tinaguriang Japanese National Holiday.

 

Metro Bank (MB)

metro bank money transfer service japan

Upang mapabilis ang transaksiyon, suriing mabuti ang mga detalye sa pagpapadala.  Ang Metro Bank Japan ay matatagpuan sa 1st Floor Kandabashi Park Bldg., 1-19-1 Kanda Nishiki-cho, Chiyoda-ku, Tokyo tuwing Lunes hanggang Biyernes mula 9:00 AM hanggang 3:00 PM lamang.

 

BDO Remittance Partners in Japan

bdo money transfer service japan

Ang Banco de Oro ay walang opisina sa Japan at meron lamang silang mga remittance partners at kasama rito ang Speed Money Transfer Japan Kabushiki Kaisha na matatagpuan sa mga sumusuno:

7th Floor, Sundisk Kanda Bldg. 4-9 Kanda Iwamoto-cho Chiyoda–ku, Tokyo

7th Floor Koasa Bldg. 4-2-10 Sakae, Naka-ku, Nagoya-shi, Aichi-ken

Imperial Roppongi 2go-kan 5-16-52 Roppongi Minato–ku, Tokyo

Room 401 4th floor East Biru Kinshicho II  2-4-12 Kinshi Sumida-ku Tokyo

 

Tandaan lamang na huwag mong ipadala ang iyong pera sa kung sinu-sino lang. Ugaliing magpadala sa mga authorized money transfer services gaya ng mga nabanggit sa itaas.

To Top