General

4 sugatan, 1 patay matapos araruhin ng sasakyan ng isang 90-anyos na matanda

Sa isang national highway ng Kagasaki city, Kanagawa prefecture. inararo ng isang sasakyang lulan ng 90-anyos na matandang babae. 4 sugatan 1 ang patay sa nasabing insidente kabilang na ang mga tumatawid at mga nasa sidewalk.
Bago ang alas-onse ng umaga ng ika-28 ng Mayo, inireport umano ng isang witness ang nasabing aksidente. Hindi malaman ang tunay na dahilan ng aksidente ngunit ayon sa mga nakakita, mabilis ang takbo ng kotse kahit na red light umano ay patuloy ang takbo nito na naging sanhi ng pagkakabunggo ng mga tumatawid at ng iba pang nasa sidewalk.

Patuloy umano ang imbestigasyon hinggil sa pangyayari magpasahanggang ngayon.

Source: Ann news

4 sugatan, 1 patay matapos araruhin ng sasakyan ng isang 90-anyos na matanda
To Top