Crime

49-anyos na babae arestado sa pagiiwan ng baby sa isang public coin locker

Arestado ang 49-anyos na ina sa sadyang pagiiwan ng bata na binalot sa plastic bag sa isang pampublickong coin locker sa harap ng Tokyo-Uguisudani station. Natagpuan ang labi ng batang biktima na nakasilid sa plastic at binalot ng ilang beses upang hindi paghinalaang bata ang laman.

Kinilala ang suspek na si Emi Susaki na syang responsable sa pagiiwan ng batang biktima. Naaresto ang suspek na si Susaki  ganap na alas onse ng umaga noong nakaraang sabado. Ayon sa kanya, ipinanganak nya ang bata 5 taon na ang nakalipas at kanyang isinilid sa loob n coinlocker. Ayon pa sa pahayag ng suspek sa mga pulisya, ang plastic bag na naglalaman ng bata ay makailang ulit na binalot saka isinilid sa isang tote bag sa takot ng suspek na umalingasaw ang amoy ng bangkay.Pagkatapos nito ay nagpatuloy ang suspek sa paggamit ng nasabing coinlocker na parang walang nangyari.

Patuloy ang imbestigasyon ng metropolitan police department sa iba pang detalye kung ano nga ba ang tunay na dahilan hinggil sa pagabandona ng ina sa sarili nitong anak sa tagal ng panahon.

Source: ANN NEWS

49-anyos na babae arestado sa pagiiwan ng baby sa isang public coin locker
To Top