General

5-tang gulang na bata PATAY sa pagaabuso ng magulang

Inaresto ng Metropolitan Police Department ang ama ng batang biktima na kinilala bilang si Yuu Odo, 33 anyos at ang ina ng bata na si Yusuri, 25 anyos sa kaso ng hinihilang pagaabuso na naging sanhi ng pagkamatay ng batang biktima bandang January ng taong ito. Hinihinalang namatay sa pagkagutom ang kanilang 5 taong gulang na anak na si Isao Kanchan, na naging dahilan ng panghihina nito at dahil na rin hindi agarang itinakbo sa hospital upang maagapan ng doktor na suriin ay kalaunan naging sanhi ng pagkamatay nito. Nakita ang isang note na sulat kamay ng bata na nagmamakaawa ito ng paulit ulit sa dalawang suspek. Lumabas  sa pagiimbestiga na grabe umano ang naging pamamaraan ng pagdidisiplina ng ama ng biktima, nang dahil lang umano sa paglalaro nito ng tubig sa shower.

Sa Kagawa prefecture kung saan nakatira ang pamilya ng biktima, bago lumipat ng Tokyo, nagkaroon na ng 2 record si Kanchan sa child guidance center. Ang impormasyon ay ipinagbigay alam ng child guidance center ng kagawa prefecture sa Shinagawa child guidance center at netong nakaraang Pebrero ay binisita ng mga staff ng Shinagawa child guidance center ang tahanan ng mga suspect ngunit ayaw umano nito makiharap kung kaya’t umabot na sa involvement ng mga pulis ang pangyayari.

Hindi naman daw umano inaasahan ng Shinagawa child guidance center na aabot sa ganito ang pangyayari.

5-tang gulang na bata PATAY sa pagaabuso ng magulang
To Top