Crime

8-taong gulang na bata, PATAY sa pananakit ng sariling Ama

Inaresto ang isang 36-anyos na Lalaki dahil sa hinihinalang pagpatay sa sarili nitong 8 taong gulang na batang lalaki sa mismong tahanan nito sa Ikoma-shi, Nara Prefecture.

Nakilala ang suspek na si Mr. Takeshi Okada, isnag dental technician sa Ikoma-shi. Hinihinalang sinaktan ng suspek ang anak nito sa pamamagitan ng paghampas partikular na sa ulo na syang tinitingnang dahilan ng pagkamatay ng bata. Nakatanggap ang Fire department ng isang emergency call galing mismo sa suspek, at sinasabi nitong hindi raw humihinga ang bata, umaga ng ika-18 ng Septyembre. Naisugod pa ang bata sa ospital at doon na rin idineklarang patay ang bata.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga pulis na walang dudang pinagbuhatan nga ng suspek ng kamay ang biktima na nagresulta sa pagkamatay nito. Patuloy pa ring iniimbestigahan ng kapulisan ang iba pang detalye magpasa hanggang ngayon.

 

Source: ANN News

8-taong gulang na bata, PATAY sa pananakit ng sariling Ama
To Top