Entertainment

AICHI: Aruko Fest

Aichi, November 11, 2018

Nagdiwang ang mga Braziliano at Filipino ng Aruko Festival noong Linggo, November 11 sa Nishio. Kabilang sa programa ang mga pagtugtog ng ilang banda, sayaw, raffle draws ay capoeira presentation sa naganap na pagdiriwang kasama na rin ang iba’t ibang food booths ng mga Brazilians, Peruvians at Filipinos.

Napili ng mga event organizers na ipagdiwang ang fest sa harap ng Kira beach at maaari pa itong gawing camping ground para sa mga dumalo. Ang nasabing event ay naging matagumpay kasabay ng napakagandang panahon at nagnanais ulit na ito ay ipagdiwang muli sa susunod na taon.

AICHI: Aruko Fest
To Top