Accident

AICHI: FATHER DIED IN ACCIDENT; DAUGHTER INJURED

AICHI PREFECTURE – Isang aksidente ang nangyari sa Tomei Expressway sa Komaki, Aichi Prefecture na ikinasawi ng isang ama at ikinasugat naman ng kanyang anak.

Si Okada Yoshinori, 46 taong gulang at ang anak niyang babae na edad 19 taong gulang ay namatay sa aksidente na naganap ng 7:30 ng gabi ika 20 ng Hulyo. Ayon sa ulat, ang kotse ay tumutungo sa maling kalye nang tumbukin nito ang harapang bahagi ng truck. Agad ikinamatay ni Okada ang aksidente dahil sa head injury. Ang anak na babae ng biktima ay nagtamo lamang ng mga galos at gasgas.

Napag-alaman ng mga pulis na si Okada ang nagmamaneho ng kotse ng matulin, samanatala ang kanyang ay nakaupo sa likod. Sinundo ni Okada ang anak sa Gifu at pabalik na sa Toyota-Shi nang mangyari ang aksidente.

SOURCES: ANN NEWS, YOUTUBE.

#Japinoy #Japinonet

To Top