Accident

AICHI: TRAIN AT SASAKYAN NAGBANGGAAN SA ANJO 

Kahapon, mga bandang alas-7 ng umaga, nagkaroong ng banggaan sa pagitan ng train at ng isang sasakyan sa linya ng JR Tokaido sa may tawiran ng riles sa Anjo, probinsya ng Aichi.

Ang train ay galing sa Toyohashi at papuntang Gifu. Ang konduktor ng train ay tinangkang itigil ang train subalit hindi ito naka-abot at tuluyang nabangga ito sa sasakyan at natanggal ang train sa riles.

Ang sasakyan ay nagliyab at namatay ang driver ng sasakyan. Mahigit 450 na pasahero ang nakasakay sa train at 3 sa kanila ang dinala sa hospital dahil sumama ang pakiramdam. Wala namang ibang nasugatan sa mga pasahero.

Fonte: ANN News

To Top