Accident

AKSIDENTE: NAKASAKAY NA BATA SA SASAKYAN NA WALANG CHILD SEAT

Isang sasakyan ang bumanga sa guardrail, at ang 2-month-old na baby na nakasakay at naka-kandong sa nanay ay namatay. Ang aksidente ay nangyari noonh ika-26 ng bandang alas 3:40 ng hapon sa siyudad ng Kobe.

Ayon sa police, sa oras ng aksidente, ang tatay ang siyang nagmamaneho ng sasakyan habang ang baby naman ay nasa likod at hawak ng kanyang ina. Ang bata ay naipit sapagitan ng nanay at ng driver’s seat. Hindi nila ginamit ang baby car seat. Sinabi ng tatay sa mga police na sya ay inantok. Ang police ay patuloy na iimbestigahan ang aksidente.

Source: ANN News

To Top