BABAE, HINULI DAHIL SA PAGMALTRATO AT PAGPATAY NG MGA PUSA

Isang babae ang inaresto dahil sa suspetsang pagpatay at pagmaltrato sa kanyang 13 na alagang pusa at pag iwan ng iba sakanila sa masamang kundisyon. Nadiskubre ng pulis ang sitwasyon ni Eri Takezawa at mga alaga nito noong kinontak niya ang City Hall. Sa 13 na pusa nito, 11 sa kanila ang inilibing niya sa isang park sa lungsod ng Sagamihara, Kanagawa.

Batay sa imbestigasyon ng police, nakita nila sa apartment na madumi at nasa pangit na kundisyon at 2 pang patay na pusa. Samantala, nag-deny naman si Eri na linabag niya ang animal protection laws.

Source: ANN News