Accident

Bata aksidenteng naatrasan ng ina, Patay

Isang 2 taong gulang na bata ang aksidenteng naatrasan umano ng isang sasakyang minamaneho ng 37-anyos na Ina bandang Numata City, Gunma prefecture.

Nakilala ang nanay ng bata na si Masumi Uehara, nakatira sa Numata-shi. Bandang alas 10 ng umaga nakatanggap umano ng emergency phone call ang 119, Dali-dalig rumesponde ang mga Firefighters sa lokasyon ng tawag at inabutan nila umano ang bata na nakahandusay malapit sa entrance na duguan ang ulo. Sinubukan pang itakbo sa hospital ang bata ngunit agad ring binawian ng buhay.

Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, Dinala umano ni Mr. Uehara si Wakasa chan nang umagang iyon. Nang pauwi na sila saktong umaatras ang sasakyang lulan ng nanay ng bata. Huli na ng mapansin nilang naatrasan ang bata ng sasakyan.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga pulis ang iba pang detalye sa naturang aksidente.

 

Source:

 

 

Bata aksidenteng naatrasan ng ina, Patay
To Top