Accident

BATANG BABAE NAHULOG SA BALON NA MAY LALIM NA 12 METERS

Noong March 30, sa siyudad ng Kunitachi sa Tokyo, isang batang babae (8) na nasa second year ng elementary school (shougakkou) ang nahulog sa balong may lalim na 12 meters.

Ang aksidente ay nangyari bandang alas-5 ng hapon habang naglalaro ang bata sa taas ng balon kasama ang kanyang kaibigan. Ang balon ay nasa piraso ng lupa na kung saan ito ay dating public bathroom at ang butas ay kung saan ang toilet seat.

Pagkatapos ng isang oras mula ng aksidente, nakuha ding mailigtas ang bata ng mga bombero at ang bata ay nagtamo lamang ng konting galos sa katawan. Masuwerte naman at ang loob ng balon ay may 85 inches na tubig at ito ay nakatulong bilang isang cushion sa pagbagsak ng bata

Source: ANN News

To Top