Events

CHIBA: DOG FLIES TOGETHER WITH THEIR OWNERS!

CHIBA: Isinagawa sa Japan ngayon ang pinakaunang charter flight na kung saan ay pinahihintulutang pasakayin katabi ng kanilang mga owners ang mga mismong pets nilang aso sa eroplano. Nakakatuwa ang feedback at nakaakit ng maraming atensyon sa mga pasahero ang ideyang ito na isinagawa sa Narita Airport na kung saan ang 117 na pasahero at 44 na mga pet dogs ang nakalinya sa check in counter. Ang flight service ay may mga nakahandang tinapay at tubig para lamang sa mga alagang aso ng mga pasahero. Napakaganda ng pagtanggap ng lahat sa kauna-unahang flight service na ito at sa loob lamang ng 2 araw ay nasold out ang tickets sa flight na ito.

Source: ANN News

#Japinoy #Japinonet

To Top