General

DU30 VS. DRUG LORDS

Batay sa report, nagpulong pulong muli ang mga grupo ng sinususpetyang Drug Lords na nakapiit sa pambansang bilangguan at dinagdagan aniya ang pabuya na iniaalok ng mga ito mula sampung milyon hanggang singkwenta na, sa kung sinomang makapapatay ka President-Elect Rody Duterte at Incoming PNP Chief Ronald Dela Rosa.

Ayon kay Dela Rosa, “Ang hindi nila alam ay may taong andun sa kanilang pagpupulong at nag-uulat sa amin nang kung anong napagpulungan nila.” Mariin pang ipinahayag ni Dela Rosa na siya mismo ay may mga listahan na ng mga Drug Lords na malayang nakagagalaw sa buong bansa ngunit hindi na niya binanggit ang mga pangalan nito.  At nakabantay din siya sa mga nasabing Drug Lords na nakalalasap ng marangya at maluwag na pamumuhay sa bilanguan.

SOURCE: MANILA BULLETIN

To Top