General

DUTERTE: THE NEW PRESIDENT OF PH

Eksaktong alas-dose ng tanghali ay nanumpa na sa kanyang tungkulin bilang ika-labing anim na pangulo ng Pilipinas si President Rodrigo Roa Duterte.

Si Duterte ay nanumpa kay Supreme Court Associate Justice Bienvenido Reyes na kanyang kasamahan sa fraternity.

Ang bunsong anak ni Duterte na si Kitty ang humawak ng bibliya sa ginawa niyang panunumpa sa pwesto.

Ang nasabing bibliya ay sinasabing pag-aari ng ina ni Duterte na si Ginang Soledad Duterte.

Sinaksihan ng kanyang pamilya, mga miyembro ng gabinete, diplomatic corps at ilang mga dating lider ng bansa ang panunumpa na ginanap sa Rizal Hall ng Malacañang.

Bago ang panunumpa ay nag-alay ng awit ang ilang mga piling singers sa pangunguna ni Freddie Aguilar pagkatapos ng ecumenical prayers.

Nagkaroon rin kahapon ng ilang minutong pulong sina Duterte at dating Pangulong Noynoy Aquino bago ang departure ceremony para sa dating lider ng bansa. Panoorin ang buong video ng kanyang talumpati sa inagurasyon.

SOURCE: RADYO.INQUIRER.NET

#Japinoy #Japinonet

To Top