Japino http://japino.net Filipino in Japan Tue, 23 Apr 2019 01:21:32 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=5.0.4 96227350 Runways at taxiways ng NAIA, walang damage sa lindol http://japino.net/runways-at-taxiways-ng-naia-walang-damage-sa-lindol/ Tue, 23 Apr 2019 01:21:32 +0000 http://japino.net/?p=21203 MANILA, Philippines — Tiniyak ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) na walang inulat na damage sa NAIA’s runways and taxiways matapos ang 6.1 magnitude earthquake. Ang NAIA terminal facilities ay hindi nagka problema kaugnay sa naganap na lindol. Mabilis nagsagawa ng inspeksyon ang mga tauhan ng MIAA para tiyakin kung may mga naapektuhan […]

The post Runways at taxiways ng NAIA, walang damage sa lindol appeared first on Japino.

]]>
MANILA, Philippines — Tiniyak ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) na walang inulat na damage sa NAIA’s runways and taxiways matapos ang 6.1 magnitude earthquake.

Ang NAIA terminal facilities ay hindi nagka problema kaugnay sa naganap na lindol.

Mabilis nagsagawa ng inspeksyon ang mga tauhan ng MIAA para tiyakin kung may mga naapektuhan na istraktura sanhi ng lindol.

Sinabi ni MIAA GM Ed Monreal, na normal ang operasyon sa Ninoy Aquino International Airport partikular ang kanilang mga runways ligtas ito sa pag-landing at pag-take off ng mga eroplano.

The post Runways at taxiways ng NAIA, walang damage sa lindol appeared first on Japino.

]]>
21203
Luzon, niyugyog ng 6.1 magnitude na lindol http://japino.net/luzon-niyugyog-ng-6-1-magnitude-na-lindol/ Tue, 23 Apr 2019 01:17:12 +0000 http://japino.net/?p=21199 MANILA, Philippines — Niyugyog ng malakas na lindol na nasa 6.1 magnitude ang Luzon kasama ang Metro Manila at kalapit na mga probinsiya kahapon ng alas 5:11 ng hapon. Napaulat kagabi na, ayon kay Pampanga Governor Lilia Pineda, merong limang tao na nasawi sa kanyang lalawigan dahil sa lindol. Marami rin anyang nagbagsakang poste ng […]

The post Luzon, niyugyog ng 6.1 magnitude na lindol appeared first on Japino.

]]>
MANILA, Philippines — Niyugyog ng malakas na lindol na nasa 6.1 magnitude ang Luzon kasama ang Metro Manila at kalapit na mga probinsiya kahapon ng alas 5:11 ng hapon.

Napaulat kagabi na, ayon kay Pampanga Governor Lilia Pineda, merong limang tao na nasawi sa kanyang lalawigan dahil sa lindol. Marami rin anyang nagbagsakang poste ng kuryente na nagdulot ng brownout sa lalawigan maging ang isang arko rito at isang supermarket ang gumuho. Hindi pa makuha ang panga­lan ng mga nasawi habang isinusulat ito.

Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang sentro ng lindol ay naitala sa may 002 kilometro ng hilagang silangan ng  Castillejos, Zambales.

Umaabot sa 021 kilometro ang  lalim ng  lupa ng naturang lindol at tectonic ang ugat ng natu­rang pagyanig.

Una nang naiulat ang 5.7 magnitude na lindol pero ito ay naitaas ng Phivolcs sa 6.1 magnitude dahil sa tindi ng lakas ng lindol.

Sinasabing mara­ming bilang ng tao sa Metro Manila at karatig lalawigan ang nakaramdam ng malakas na lindol dahilan para maglabasan ang mga nasa matataas na gusali.

Sinabi ni Phivolcs head Renato Solidum na malamang na guma­law ang Manila Trench o ang fault line sa  Zambales kayat nakasentro sa naturang mga lugar ang pagyanig.

Bunga nito, naram­daman ang lakas ng lindol sa Intensity 5 sa San Felipe, Zambales; Malolos at Obando, Bulacan; Quezon City; Lipa, Batangas; Manila City; Abucay, Bataan; Valenzuela City; Magalang, Pampanga, Intensity 4 naman sa Pasig City; Makati City; Caloocan City; Meycauayan at San Jose Del Monte, Bulacan; Floridablanca, Pampanga; Villasis, Pangasinan; Tagaytay City; Baguio City; Marikina City; Las Piñas City; Intensity 3 sa – Dasmariñas, Indang at Gen. Trias, Cavite; Lucban, Quezon; Muntinlupa City, Cabanatuan City; Palayan City; Gapan City; Santo Domingo at Talavera, Nueva Ecija at Intensity 2 sa  Baler, Aurora so we can feel it,” paliwanag ni Solidum.

Sinabi nito na wala namang tsunami warning  kahit na ang epicenter ng lindol ay sa lupa.

Ayon sa Phivolcs, inaasahan nila ang pagkakaroon ng aftershocks at pagkakaroon ng damage sa naganap na lindol.

Read more at https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2019/04/23/1911892/luzon-niyugyog-ng-61-magnitude-na-lindol#PwzdW5zUo5kZ79dF.99

The post Luzon, niyugyog ng 6.1 magnitude na lindol appeared first on Japino.

]]>
21199
6.1 magnitude na lindol naitala sa Zambales; Pagyanig dama sa NCR http://japino.net/6-1-magnitude-na-lindol-naitala-sa-zambales-pagyanig-dama-sa-ncr/ Tue, 23 Apr 2019 01:09:32 +0000 http://japino.net/?p=21195 MANILA, Philippines — Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang Luzon, 5:11 p.m. ng hapon, Lunes. Itinaas ito mula sa naunang ibinalitang 5.7 magnitude na lindol na nagmula sa Castillejos, Zambales. Nasa tatlo na ang napabalitang patay matapos maipit ng pader sa San Fernando, Pampanga sabi ni Gov. Lilia Pineda, ayon sa ulat ng The STAR. Sa inisyal na ulat, […]

The post 6.1 magnitude na lindol naitala sa Zambales; Pagyanig dama sa NCR appeared first on Japino.

]]>
MANILA, Philippines — Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang Luzon, 5:11 p.m. ng hapon, Lunes.

Itinaas ito mula sa naunang ibinalitang 5.7 magnitude na lindol na nagmula sa Castillejos, Zambales.

Nasa tatlo na ang napabalitang patay matapos maipit ng pader sa San Fernando, Pampanga sabi ni Gov. Lilia Pineda, ayon sa ulat ng The STAR.

The post 6.1 magnitude na lindol naitala sa Zambales; Pagyanig dama sa NCR appeared first on Japino.

]]>
21195
Work from home law implementing rules released: labor dept http://japino.net/work-from-home-law-implementing-rules-released-labor-dept/ Wed, 17 Apr 2019 07:46:26 +0000 http://japino.net/?p=21180 MANILA — Implementing rules for a new law that will allow workers to perform their duties at home or outside the office has been released, paving the way for its implementation, the labor department said. Under the rules, private sector employers can offer work from home or out of office arrangements to their workers through […]

The post Work from home law implementing rules released: labor dept appeared first on Japino.

]]>

MANILA — Implementing rules for a new law that will allow workers to perform their duties at home or outside the office has been released, paving the way for its implementation, the labor department said.

Under the rules, private sector employers can offer work from home or out of office arrangements to their workers through collective bargaining. It will take effect 15 days upon publication, the department said in a statement.

“Ang kasunduan sa trabaho ay hindi dapat bababa sa minimum na pamantayan sa paggawa na itinakda ng batas, at kasama rito ang oras ng pagtatrabaho na dapat bayaran, minimum na oras ng pagtatrabaho, overtime at araw ng pahinga, karapatan sa leave benefit, social welfare benefit at seguridad sa trabaho,” Labor Sec. Silverstre Bello III said.

(The work should not be below the minimum standard set by the law, this includes hourly rate, minimum work hours, overtime pay, leave benefits, social welfare benefits and security of tenure.

President Rodrigo Duterte signed the Telecommuting Act last December.

Employers and employees should abide by any agreement if the workers are to follow the work-from-home scheme, DOLE said.

Companies that are interested to implement the Telecommuting Act should inform the DOLE of the arrangement.

SOURCE:ABS CBN

The post Work from home law implementing rules released: labor dept appeared first on Japino.

]]>
21180
ALAMIN: Kaibahan ng ‘good’ at ‘bad’ cholesterol http://japino.net/alamin-kaibahan-ng-good-at-bad-cholesterol/ Wed, 17 Apr 2019 07:42:06 +0000 http://japino.net/?p=21176 Hindi lahat ng kolesterol sa katawan ng tao ay nakasasama. Sa programang “Good Vibes” ng DZMM, ipinaliwanag ng cardiologist na si Dr. Christopher Nazal na likas sa katawan ng tao ang pagkakaroon ng kolesterol, at may mabuti at nakasasamang uri nito. Ang kolesterol ay isang substance na nakatutulong para maging malusog ang mga cell o […]

The post ALAMIN: Kaibahan ng ‘good’ at ‘bad’ cholesterol appeared first on Japino.

]]>
Hindi lahat ng kolesterol sa katawan ng tao ay nakasasama.

Sa programang “Good Vibes” ng DZMM, ipinaliwanag ng cardiologist na si Dr. Christopher Nazal na likas sa katawan ng tao ang pagkakaroon ng kolesterol, at may mabuti at nakasasamang uri nito.

Ang kolesterol ay isang substance na nakatutulong para maging malusog ang mga cell o selula sa katawan ng tao, ayon kay Nazal.

“Kailangan ‘yon ng katawan natin para maging healthy ‘yong cells sa tamang amounts. ‘Pag sumobra, doon tayo nagkakaroon ng concerns,” paliwanag ni Nazal.

Nadadagdag lamang umano ang kolesterol sa katawan dahil sa mga kinakain ng tao.

Tinatawag na “low-density lipoprotein (LDL)” ang uri ng kolesterol na nakasasama dahil maaari itong bumara sa mga arterya o lagusan ng dugo mula sa puso patungo sa mga bahagi ng katawan, ani Nazal.

“High-density lipoprotein (HDL)” naman ang tawag sa “good cholesterol” na mula sa mga arterya ay bumabalik sa atay para maialis sa katawan.

“Sila ‘yong nagta-transport from the arteries, babawiin nila, ibabalik nila doon sa liver, tapos from the liver puwede siyang ma-eliminate from the body,” sabi ni Nazal.

Kasama ang LDL at HDL sa 4 bahagi ng lipid profile, na sumusukat sa dami ng kolesterol sa katawan ng tao.

Bukod sa LDL at HDL, kasama rin sa lipid profile ang total cholesterol o kabuuang dami ng kolesterol, at triglyceride o iyong taba sa katawan ng tao.

Hindi umano maganda kapag ang resulta ng lipid profile ay mataas ang LDL at triglyceride, lalo kung kasabay nito ang mababang HDL.

Madalas umano ang mataas na antas ng kolesterol sa mga taong may hypertension, diyabetes, overweight, at may sedentary lifestyle o hindi masyadong gumagalaw.

Kung may ibang medikal na kondisyon, mainam na ipatingin ang kolesterol sa katawan “every few months” o tuwing lilipas ang ilang buwan.

Para naman sa mga taong malusog at may edad 20 pataas, ipinapayo raw ang pagpapatingin kada apat hanggang anim na taon.

The post ALAMIN: Kaibahan ng ‘good’ at ‘bad’ cholesterol appeared first on Japino.

]]>
21176