Crime

FUKUOKA: GIRL STABS BOYFRIEND

FUKUOKA PREFECTURE – Isang babae, 28 na taong gulang ang naaresto noong Linggo ika-3 ng Hulyo.

Ayon sa report, ganap na 10:10 ng gabi nang Linggo ay tumawag si Maiko Sadakiyo sa mga pulis.  Ito ay upang ireport ang pagsaksak niya sa kaniyang nobyo sa hita. Napag-alaman na ang dalawa ay nagkaroon nang mainit na pagtatalo. Ang biktima ay nagtangkang makipaghiwalay sa suspek na naging daan upang ito ay magalit ng husto.

Ang biktima na 32 taong gulang, ay nadala din sa ospital upang magamot ngunit nananatiling walang malay. Ayon sa mga pulis, ang suspek ay napag-alamang nag report siya noong Disyembre. Ito ay dahil umano’y sinasaktan siya ng kaniyang nobyo.

Sa ngayon, pinag-aaralan pa ng mga pulis kung may kinalaman sa insidente, ang nangyaring pag-report ng suspek noong Disyembre.

SOURCE: ANN NEWS, YOUTUBE

#Japinoy #Japinonet

To Top