Accident

FUKUSHIMA: CHILD HIT BY A CAR

FUKUSHIMA – isang 2 taong gulang na bata ang nabundol ng isang kotse at namatay.

Nakita sa CCTV camera na ang bata ay naglalakad mag-isa sa kalye nung gabi na mangyari ang insidente.  Nangyari ang aksidente noong ika-5 ng Hulyo sa ganap na 9:30pm.

Ayon sa report na ito, Ang buong pamilya ni Miho Takashi ay pauwin na ng mangyari ang aksidente. Tumawid ng kabilang kalye si Takashi upang bumili sa isang convenience store. Samantala ang kanyang asawa ay naiwang karga karga ang kanilang sanggol kasama ang 2 taong gulang na anak na si Riko-chan. Hindi napansin nang ina ng bata na sumunod si Riko-chan sa kanyang ama. Ngunit pagdating ni Riko-chan sa gitna ng kalye ay nahagi ito ng isang kotse. Napuruhan ang ulo ng bata na agad din nitong ikinamatay.

Iniimbestigahan pa ng mga pulis ang sanhi ng aksidente.

SOURCE: ANN NEWS, YOUTUBE.

#Japinoy #Japinonet

To Top