Lifestyle

GARDEN PARA SA KANYANG ASAWA

Marami saatin ang nakaka-alam ng tourist spot ng pink moss (shibazakurá) na bulaklak sa garden ng mag asawa sa Miyazaki Prefecture sa Kyushu. Ito ay garden ng mag partner na si Toshiyuki Kuroki (87) at asawang si Yasuko Kuroki (80).

30 taon na nakaraan, ang asawa niyang si Yasuko ay nabulag. Para hindi siya maging malungkot, si Mr. Toshiyuki ay nagtanim ng pink moss flowers sa kanyang garden. Para ang garden ay maging attraction na kung saan ilang mga tao ang bibisita, at ang kanyang asawa ay mapapaligiran ng mga tao na pwede niyang makausap. Ito ang simula ng cultivation ng mga bulaklak. Ang mga bulaklak ay tunanim na may kasamang matinding pagmamahal sa loob ng 30 years, pagpapatunay ng pagmamahal ni Mr. Toshiyuki sa kanyang asawa.

Simula sa susunod na taon, ang area ng tataniman ay mas maliit subalit ito ay mananatiling bukas para sa publiko.

Source: ANN News

To Top