Accident

GIFU: POLICE RAN OVER A CIVILIAN

Noong nakaraang byernes ganap na alas 11:10 ng gabi, isang patrol car ang nakasagasa sa isang matandang lalaki na kinilala bilang Shigeo Hirata, 58 anyos. Ang officer na nagmamaneho ng mga oras na iyon ay si officer Shinji Matsuno, 31 anyos, isang ogaki police officer. Ayon sa kanya, nagkataong sumasagot sya ng isang tawag kaya nya nabunggo ang biktima. Ayon din kay officer, nadistract umano sya sa isa pang sasakyan kung kaya’t hindi nya naiwasan ang biktima. Nagbigay naman ng pahayag ang Chief of police ng Ogaki, at lubos nilang ikinakalungkot ang pangyayari. Makakaasa daw ang lahat na dodoblehin nila ang pagiingat upang hindi na maulit pa ang naturang pangyayari.

Source: ANN News

#Japinoy #Japinonet

To Top