Crime

HIT YA ACT SCAM: BE CAREFUL YOU MIGHT BE THE NEXT VICTIM

OSAKA – Nakuhanan sa isang security camera ang isang panggagantso na ginawa ng isang lalaki sa matandang babae na drayber ng kotse na makikita sa video na tinaguriang “Hit Ya Act Scam”.

Makikita sa video na ang lalaki ay naglalakad sa gilid ng kalye nang dumaan ang isang kotse. Mapapansin ninyo na sinadya ng suspek na ilagay ang kanyang paa sa ilalim ng kotse upang ito ay magulungan.  Ang insidente ay nangyari sa May Sakai City sa Osaka.

Ayon sa biktima, kinikilan siya ng suspek sa pag-aakala niyang aksidente niyang nagulungan ang paa ng lalaki na kinilalang si Koichi Horie. Natangay ng suspek ang 14,000 yen mula sa 72 taong gulang na biktima.

SOURCE; ANN NEWS, YOUTUBE.

To Top