Crime

HINO: HUSBAND BURNED TO DEATH BY A FILIPINA WIFE

TOKYO HINO CITY – Isang Pinay ang sinunog ang kanyang asawang Hapon at naglaslas din ng pulso matapos ang insidente.

Ayon sa Tokyo Metropolitan Police Department, si Hiroyuki Kawanishi, 45 na taong gulang, ay namatay kahapon ika-3 ng Hulyo. Matapos siyang sunugin ng kanyang Pinay na asawa sa Tokyo Hino City. Ayon pa sa report, binuhusan ng suspek ang biktima ng oil at saka sinindihan.

Nakita umano ng panganay nilang anak na babae, 15 na taong gulang, ang kanyang ama na nakahandusay  sa kanilang bahay. Ang biktima ay nagtamo ng matinding sunog sa buong katawan. Sinubukan pa ng anak ng biktima na isugod siya sa ospital. Ngunit, ito’y idineklara nang dead on arival.

Samantala, ang suspek nama’y pumunta sa isang kalapit na convinience store. Siya ay naglaslas gamit ang gunting sa palikuran ng nasabing establisyimento. Ang suspek ay naitakbo sa ospital at kasalukuyang nagpapagaling.

Ang ginang ay napag-alamang nakapag-report na sa mga pulis noong Nobyembre nang nakaraang taon, ukol sa pananakit ng biktima sa kanya. Ngunit pinagsabihan lamang ng mga pulis ang biktima bilang warning.

Sa ngayon, hinihintay na lamang ng mga pulis na tuluyang maka-recover bago kunan ng panayam ukol sa tunay na pangyayari.

SOURCE: ANN NEWS, YOUTUBE.

#Japinoy #Japinonet

 

To Top