Accident

IBARAKI ACCIDENT: BOY KILLED

IBARAKI PREFECTURE – Isang second year high school na estudyante ng Men’s Ibaraki Prefecture Kashima of prefectural high school ang namatay sa isang aksidente sa motorsiklo.

Ayon sa balita, naganap ang aksidente sa ganap na ika-5 ng umaga nang ika-2 ng Hulyo habang nasa kalagitnaan ng isang tour. Naganap ito sa Tsuchiura sa prefectural road nang ang motorsiklong sinasakyan ng biktima ay bumangga sa isang 5-toneladang trak.

Ayon pa sa balitang ito, ang motorsiklo ay omover-take kaya ito sumalubong at sumalpok sa nasabing trak. Walang malay ang biktima nang dalhin sa ospital at kritikal ang kondisyon. Ngunit kalaunan ito ay namatay dahil sa pagtama ng ulo nito sa trak. Panoorin ang video para sa iba pang balita.

SOURCE: ANN NEWS, YOUTUBE.

#Japinoy #Japinonet

To Top