Crime

IKEBUKURO: BATANG BABAE NAMOLESTIYA

TOKYO – Isang Hapon na 36 taong gulang ang inaresto dahil sa kasong pangmomolestiya sa isang batang babae na 4 taong gulang sa Ikebukuro.

Ayon sa imbestigasyon, nagnasa ang suspek sa biktima sa department store noong ika-6 ng Hulyo. Nang malingat ang ina ng bata, isinama ng suspek ang biktima sa comfort room ng mga lalaki at saka isinagawa ang pang-momolestiya.

Ayon pa sa balitang ito, inamin ng suspek ang krimen. Ayon pa sa suspek, bata talaga ang kaniyang target dahil hindi umano ito manlalaban hindi tulad sa matatanda.

SOURCE: ANN NEWS, YOUTUBE.

To Top