News

Isang hapon ninakawan ng 1,700 AUD sa NAIA TERMINAL 3

Holy Week pa mandin ngunit hindi yun hadlang para sa masasamang loob na gumawa ng hindi maganda sa isang hapon na nagbakasyon sa pilipinas.

Noong Miyerkules Santo March 28,2018, kuha sa isang cctv Footage sa loob ng nasabing paliparan. Dumaan sa xray inspection ang Japanese national na si Yuya Sakata, Pagdaan sa arrival area pinatabi sya ng isa sa mga screeners dahil daw ang kanyang bag ay naglalaman ng ipinagbabawal na bagay. Ngunit napagalaman sa inspeksyon na mismong ang screener umano ang nagbukas ng bag ng hapon at hindi si Mr. Yuya Sakata. Pagkatapos nito ay wala naman daw nakitang ipinagbabawal na gamit kung kaya’t kinuha na ng hapon ang kanyang bag at dali dali ng umalis ngunit bumalik din hindi katagalan matapos madiskubreng nawawalan sya ng 1,700 AUD o humigit kumulang 60,000php.

Nahuli at umamin din ang 2 suspek na kumuha sa pera ng Japanese national at kasalukuyang nakakulong na. Ngunit patuloy na iimbestigahan ang iba pang kasamahan na maaring kasabwat sa pagnanakaw lalo at 300 AUD pa lamang ang narerecover upang hindi na maulit pa ang sinapit ng hapon sa iba.

Panuorin ang facebook video ng report dito

https://www.facebook.com/News5Everywhere/videos/1181738178649601/

Source: TVNews5, Facebook

 

Isang hapon ninakawan ng 1,700 AUD sa NAIA TERMINAL 3
To Top