News

Isang Iranian at Filipina nasunog

Isang hindi pangkaraniwang insidente ang nangyari sa harap ng JR train station, prepektura ng Ibaraki, lungsod ng Tsuchiura, sa loob ng Saizerya na isang pampamilyang restawran, noong ikalabing isa ng Nobyembre.

Iniulat na isang babae at isang lalake ang nasusunog sa loob ng kainan. Ito ay napag alaman na ang lalake ay isang Iranian na singkwenta’y dos anyos at ang babae ay trenta’y sais anyos na isang Filipina. Ayon sa mga saksi, narinig umano nila ang dalawa na nagsisigawan at nagtatalo. Binuhusan daw nung Iranian yung Filipina ng gas at ang mga ito ay biglang nagkaapoy at nasusunog. Dali-daliang sinugod sa ospital ang dalawa na may matinding paso sa katawan pero sa sawing palad hindi na nakaabot pa sa ospital ang Iranian at ito ay binawian na ng buhay. Walang malay naman ang Filipina at dahil sa pagkasunog ito ay nagtamo ng malubhang lapnos o paso ng kanyang katawan.

Ayon sa balita ng mga pulis, noong ikalabing dalawa ng Octobre, nagkaroon na umanong hindi pagkakaunawaan at hindi pagkakasundo and dalawa kaya sila ay pinagsabihan ng kinauukulan na huwag na muna silang magkita para sa ika bubuti nilang dalawa.

Gusto umano ng Iranian na makita ang kanyang anak pero hindi sinang ayunan at pinagkait ito sa kanya ng Filipina na siyang sanhi ng pagbabanta ng Iranian sa Filipina na papatayin niya ito. Hindi naman nabanggit kung ano talaga ang relasyon ng dalawa.

Patuloy parin ang imbestigasyon ng mga pulis tungkol sa pangyayari. Sinasabing isa itong hindi pangkaraniwang krimen sa bansa.

To Top