Crime

ISANG JAPANESE PATAY SA MANILA

Sa gabi ng April 20, isang Japanese na lalaki ang binaril at napatay habang lulan ng umaandar na sasakyan sa siyudad ng Manila, Philippines. Ayon sa mga police, ang biktima ay isang Japanese citizen na si Haruki Mizuno (48), na galing ng Aichi Province.

Si Mizuno ay dumating sa Manila noong ika-20th at siya ay pabalik ng kanyang hotel matapos maghapunan kasama ang iba pang 20 na Japanese. Habang papabalik ng hotel, isang motorsiklo ang lumapit at pinaputukan ng 3 beses ang sasakyan ng biktima. Si Mizuno ay dineklarang dead on the spot matapos itong matamaan ng bala sa kanyang leeg.

Pinaghahanap na ngayon ng police ang dalawang suspek na nakasakay sa motorsiklo.

Source: ANN News

To Top