Crime

KRIMINAL, NAHULI DAHIL SA HELMET

Noong April ng nakaraang taong, hinihinalang nagnakaw si Hisatoshi Wada ng bag ng isang college student habang papauwi sa kanyang bahay sakay ang kanyang bisikleta. Si Wada at isa pang kasama nito ay nakasakay sa scooter ng oras ng pagnanakaw. Sinundan ng university student ang mga kriminal ng mga 120 meters sakay ng kanyang bisekleta at hinablot niya ang helmet ng isang suspect. Sa helmet na ito ay nakuha ang fingerprint ni Wada na kung saan nagamit nya ito bilang ebidensya sa krimen. Inako naman ni Wada ang nagawang krimen at iba pang krimen dahil sa matinding pangangilangan sa pera.

Source: ANN News

To Top