Crime

KUMPIRMADO SA PAGGAMIT NG DROGA ANG DATING MEMBER NG KAT-TUN

Si Kouki Tanaka (31), isang dating member ng KAT-TUN group, ay inaresto noong March 24 dahil sa marijuana possession. Sa sasakyan nito ay nakitaan din ng papel na ginagamit sa pagrolyo ng droga. Iginiit naman ni Kouki sa mga police na ang natagpuan na droga ay hindi sakanya. Subalit, pagkatapos ng toxicological examination, ang paggamit ng singer ng droga ay naging positibo.

Patuloy pa ding iimbestigahan ng police ang paggamit ng singer ng marijuana at kung paano at saan niya ito nakuha.

Source: ANN News

To Top