News

MANILA: PNP-SAF TAKE OVER BILIBID

MANILA, PHILIPPINES – Mahigit 300 miyembro ng elite personnel ng Philippine National Police Special Action Force (SAF) ang itinalaga sa New Bilibid Prison upang palitan ang mga jailguards nitong Miyerkulas ika-20 ng Hulyo.

Ang Turn-Over Cermony ay dinaluhan ni Department of Justice Secretary Vitaliano Aguirre II at PNP Chief Police Director General Ronald “Bato” Dela Rosa. Sa talumpati ni PDG Dela Rosa, pinaalalahanan nito ang SAF Troopers na isagawa ang kanilang mga tungkulin na may katapatan at huwag isangkot ang mga sarili sa anumang uri ng katiwalian.

Samantala sa unang araw ng mga SAF Troopers sa bilibid ay nagsagawa na ang mga ito ng raid o malawakang pagsamsam ng mga pera, pinaghihinalaang shabu at signal boosters.

SOURCE: PHILIPPINE NATIONAL POLICE

#Japinoy #Japinonet

 

To Top