Crime

May-ari ng pub arestado sa fake marriage ng kanyang mga empleyado

Isang hapon na may-ari ng pub ang inaresto dahil sa pagsasagawa ng fake marriage gamit ang mga customer nya sa mga Filipina upang makapagtrabaho sa kanyang pub.

Isang lalaki na dating na involve sa fake marriage hanggang July this year ang nagsalaysay tungkol sa kundisyon ng fake marriage. Ayon sa kanya, isa siya sa mga anim na ipinares sa mga Filipina na ipinakasal sa Pilipinas. Ang mga babae ay na scout sa Pilipinas upang magtrabaho sa Philippine pub sa Izumisano City, Osaka na pagmamay-ari ni Ishi Morishita, 59.

Ayon sa dating fake na asawa: “(Q. May kasalan ba talagang nangyari?) A. Oo meron, nagkaroon ng wedding ceremony at na register sa embassy sa Pilipinas”. Ayon pa sakanya walang naganap na pagsasama bilang mag asawa pagkatapos ng kasal. Hindi naman inamin ng suspect ang mga paratang sakanya.

Source: ANN News

To Top