Japino

Mie: Explosion

Kahapon bandang alas 9:20 ng umaga, ginulantang ng isang malakas na pagsabog ang Mie-Ken, Kiho-cho sa Hokuetsu Factory. Ang pagsabog ay nagmula sa cellulose pulp tank matapos gawin ng isang empleyado ang maintenance sa mga pipes na hanggang 20metro ang taas. Tumilapon ang nasabing empleyado sa insidente at ngayon ay iniimbestigahan na ng mga pulis kung ano nga ba ang tunay na dahilan ng pagsabog.

Source: ANN News

To Top