Musical Show: JUKE BOX PARADISE

Kakatapos lang ng matagumpay na musical show na Brian Cullen’s Juke Box Paradise noong linggo December 4. Ito ay ginampanan ng mga miyembro ng theater group na Théâtre KPB. Ang musical na ito ay pinaulanan ng mga papuri sa galing ng production na kapansin-pansin sa publiko. Ito ay sa direksyon ni Mr. Stephen Pottinger at isinulat ni Mr. Gary Beaubouef at itinampok ang cast na may iba’t-ibang nationalities, Kabilang ang mga Filipino na sina Mr. Lem Mauricio at Mr. Angelo Naya. Ang show na ito ay ginanap ng apat na araw, November 26 and 27 at December 3 and 4.

Ipinaalam ni Mr. Pottinger na sa May 2017 ay magde-debut ang “The Boxer”.

Abangan ang mga detalye sa website: http://www.kpbtheatre.com