Crime

NAHULI NA NG MGA POLICE ANG MGA MENOR DE EDAD NA LUMABAG SA TRAFFIC LAWS

Ang mga menor de edad na lumabag sa traffic laws sa daanan ng Yokohama na sumakay sa hood ng tumatakbong sasakyan ay natagpuan na ng mga police. Kinuhaan nila ang akto ng video at nag post sa twitter noong May ng kasalukuyang taon.

Isang minor (17) na nagta-trabaho sa demolitions at isang estudyante (18) na kumuha ng video ay inako ang charges laban sa kanila: “alam ko na ang ginawa ko ay mali.”

Ang na record na video ng akto ay gagawing ebidensya sa suspetsang paglabag sa traffic laws.

Source: ANN News

To Top