Crime

NATAGPUAN NG WALANG BUHAY ANG NAWAWALANG BATA 

Ang katawan ng isang bata na kinilalang si Lee Thị Nhật Linh (9), at may Vietnamese nationality ay natagpuan sa gilid ng isang ilog sa siyudad ng Abiko, Chiba.

Ang bata ay nawawala noon pang March 24 sa lungsod ng Matsudo.
Natagpuan siyang may mga marka sa kanyang leeg na signales na ito ay sinakal. Huling nakitang buhay ang bata noong siya ay umalis papuntang eskwelahan para mag attend sa closing ng school activities.
Ang police ngayon ay patuloy na ini-imbestigahan ang krimen. 


Source: ANN News

To Top