Accident

OKINAWA: MINORS NALILIHIS NG LANDAS 

Isang 15-year-old na babae ang inaresto sa Naha city sa pagda-drive ng scooter na nakainom ng alak at ayon sa menor de edad hindi niya maalala kung ano ang nangyari. Ayon sa police matapos nilang magsagawa ng breathalyzer test na detect na may dobleng alcohol level keysa sa limit nitong level. Na-detect din ang alcohol sa kasamang kaibigan nito.

Noong nakaraang buwan ay may kaparehong insidente na nangyari sa Okinawa, na kung saan isang sixth-grader na lalaki ng elementary school ay nagdrive ng scooter na naka-inom. Sa insidenteng ito, sa kasamaang palad ay namatay ang kasamang kaibigan nito.

Source: ANN News

To Top