Crime

PAMAMAALAM PARA SA BATANG BABAE NA NASAWI SA ABIKO

Noong ika-26th ng nakaraang buwan, isang batang babae na may Vietnamese nationality, na si Lee Thị Nhật Linh (9), ay natagpuang patay sa gilid ng isang ilog sa siyudad ng Abiko, Chiba. Siya ay naiulat na nawawala noong ika 24 sa lungsod ng Matsudo.

Ang labi ni Linh ay iniuwi sa Hanoi, Vietnam, at siya ay pinaglamayan at inilibing ng kanyang mga pamilya at kaibigan.

Nanawagan ang lolo ni Linh na sana mahuli na ang suspect sa lalong madaling panahon, dagdag pa niya na ang kanyang apo ay mabait matalino at masunuring bata. Iniimbestigahan na ng mga police ang nangyaring krimen sa pagpatay at pagtapon ng katawan ng biktima.

Source: ANN News

To Top