Crime

Pamilya ng mga magnanakaw, Kalaboso

Isang 47-anyos na Ina at 3 anak nito ang huli sa kasong  pagnanakaw at panloloob sa mga kabahayan ng Saitama Prefecture, Soka City at Koshigaya City. Lumabas sa imbestigasyon na hindi itop ang kauna-unahang pagkakataon na magkaroon ng ganitong record ang mag-anak, mayroon na daw umanong naunang similar case ang pamilyang ito.

Nakilala ang mga suspek na sina Itsu ito 47-anyos, Kazuki Oki, 21 anyos kasama ang 3 hindi na pinakilala pa. Napag-alaman na ang mga suspek ay nauna nang nanloob noong araw ng March 31 hanggang kinabukasan at nasa tinatayang 11,000 yen  at 30,000yen in cash ang nakuha na ng mga suspek, pinaghihinalaang nauna nang nakakuha ang mga ito ng isang safe at kung ano-ano pang mahahalagang bagay. Ayon  pa sa mga pulis, sa bintana umano dumaraan ang mga suspek upang makapasok  sa loob. Tinatayang umabot na sa 7.2 Million yen ang nakuha ng mga ito. Simula noong buwan ng Oktubre last year may halos 40 na naitalang kaso ng pagnanakaw sa Soka city at sa iba pang kalapit na lugr, patuloy ang pagiimbestiga ng mga pulis tungkol sa pagkakaugnay ng mga ito sa kasong ito.

Source: ANN News

Pamilya ng mga magnanakaw, Kalaboso
To Top