News

PHILIPPINES: COAST GUARD UNDERGONE ALSO ON DRUG TEST

PHILIPPINES – Pinangunahan ni Coast Guard Commandant Rear Admiral William Melad ang sorpresang drug test sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG).

Isinagawa ang drug test sa nasa 3,000 opisyal at tauhan ng Coast Guard.

Kabilang sa mga isinailalim sa drug test ang mga nakatalaga sa national headquarters, Parola base, Taguig at Sangley Point sa Cavite.

Sinabi ni Coast Guard Spokesperson Commander Armand Balilo na simula pa lamang ito dahil isusunod nila ang iba pang mga coast guard units sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ito aniya ay kaugnay sa kampanya ng Pangulong Rodrigo Duterte na wakasan ang droga sa loob ng anim na buwan.

SOURCES: radyo.inquirer.net

To Top