Health

Pinay Sa Toyohashi, 25 Iba pang Foreigners, Infected ng Tuberculosis

Pinay Sa Toyohashi, 25 Iba pang Foreigners, Infected ng Tuberculosis Napag-alaman noong March 27 na isang babaeng trainee (nasa edad na 30 taon) sa Toyohashi City ay may sakit na Tuberculosis. Nalaman din na 25 na iba pang foreigners na kamag-anak at kasamahan sa trabaho nitong babaeng trainee na ang mga ito ay infected din ng Tuberculosis.

Ang nasabing babae ay tuluyang nang nakapag-recover. Sa tingin ng city government ay maliit ang posibilidad na kumalat pa ang infection. Ayon sa city government, ang babaeng ito ay nagkonsulta sa hospital noong August 2017 dahil sa hindi gumagaling ang kanyang pag-ubo at plema. Naipasok siya sa hospital noong September.

Noong nag-inspect ang city government ng kanyang mga kamag-anak at kasamahan sa trabaho, napag-alam na infected din ang 25 na katao kasama na ang Filipino, Chines at Brazilian, nasa edad 20 hanggang 50.

Source: Sankei Shinbun, March 27, 2018

By: Jean Nakahashi

Pinay Sa Toyohashi, 25 Iba pang Foreigners, Infected ng Tuberculosis
To Top