Crime

Pinekeng kidnapping, nabuking!

Isang babaeng residente ng Saitama Ken ang hinuli ng mga pulis matapos nitong peke-in ang kanyang sariling “Kidnapping” case upang makakuha ng day off sa kanyang trabaho.

Isang patrol officer ang nag check sa kanyang sasakyan na naka park lamang malapit sa isang konbini mga alas 7 ng gabi noong March. 30. Matapos icheck ng patrol officer ang loob ng sasakyan, nakita nya ang 37 taong gulang na ginang na itago natin sa pangalang Maria del Cruz na nakagapos.

Base sa arrest warrant affidavit ni Maria, isang lalaki ang tumalon sa sakanyang sasakyan mga ala 1 ng hapon habang siya ay nasa tapat ng Post office at tinutukan daw siya ng patalim at sapilitang itong pumasok sa kanyang sasakyan kung saan siya ay minolestiya, sinakal, ginapos at iniwan lang din matapos nitong takutin.

Ngunit, nadiskubre ng mga pulis ang isang lottery ticket na nasa bag ng ginang na binili sa nasabing oras at araw na kanyang isinaad sa police report. Ni-review din nga mga imbestigador ang CCTV ng lottery store na kung saan natagpuang bumili c Maria ng ticket na maayos ang pangangatawan at magandang pakikitungo nito sa clerk.

Nang kinompronta na ng mga police ang ginang, agad naman itong umamin sa kanyang gawang kwento at nais lamang niya makakuha ng day off at mapansin ng kanyang pinagtatrabahuang kompanya.

Pinekeng kidnapping, nabuking!
To Top