Crime

Pinoy arestado matapos mapatay sa saksak ang kinakasama

Arestado ang isang pinoy dahil sa pananaksak umano sa kanyang kinakasama sa Hamura city, Tokyo.

Nakilala ang suspek na si Okumi Alex Montefalcon, edad 30-anyos at ang kinakasama nitong biktima na si Iracelle Abando, 26-anyos, kapwa nakatira sa Hamura city. Bandang 10:30 ng gabi ng Ika-9 ng Hulyo, Ayon sa mga pulis, makailang ulit na pinagsasaksak ng suspek ang biktima sa pamamagitan ng kitchen knife sa hindi pa nalalamang dahilan. Naitakbo pa ang biktima sa pagamutan ngunit dahil sa tinamo nitong malubhang sugat sa mga kamay at paa, kalaunay binawian rin ito ng buhay.

Ayon sa Metropolitan Police Department, ang suspek na si Okumi ang mismong tumawag sa hotline 110 ng insidente,” Sinaksak ko sya” pagkatapos ng krimen. Umamin naman si okumi sa krimen ng tanungin ng mga pulis, dagdag pa nito: ” Hindi ko naman sinasadyang mapatay sya”.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang totoong dahilan at pinagmulan ng nasabing krimen.

 

Source: ANN News

Pinoy arestado matapos mapatay sa saksak ang kinakasama
To Top