“Reserve & Win”

2016-09-12-japino-giftcard-promo-700x357

1. Paraan ng pagsali

1.1 Ang pagsali ay libre at open sa lahat ng Filipino na residente ng Aichi, Mie, Gifu, Shizuoka, Nagano.

1.2 Magbigay lamang ng inyong litrato na kuha sa loob o sa harap ng au Shop o di kaya kumuha ng litrato ng sarili na hawak ang reservation number ng pina-reserbang iPhone 7.

1.3 Maaaring magkasama sa iisang litrato subalit isa lamang ang magiging entitled sa prize kapag nanalo.

1.4 Kapag ang magkasama sa photo o sa indibiduwal na photo ay mga nasa menor de edad, ay kinakailangan ang responsableng patnubay ng mas nakakatanda.

1.5 Ang litrato ay maaaring ipadala simula sa September 12, 2016 hanging October 12, 2016.

1.6 Ipadala ang mga litrato through e-mail:

            [email protected]

1.7 Isama din sa ipapadalang litrato ang pangalan ng participant, contact telephone number at complete address sa Japan.

1.8 Sa pagpadala ng mga litrato, ang mga participant ay automatic na nagbibigay ng pahintulot na gamitin ang mga larawan, personal na mga data sa mga promotional campaigns, print at web na walang bayad sa organizers. Ang mga pinadalang litrato ay eksklusibong gagamitin ng Japino.net ayon sa inyong pamantayan sa anumang oras at/o lugar.

1.9 Ang mga litrato ay maaring kuha galing sa inyong cellphones o sa sariling photographic cameras.

2. Pa-raffle at Premyo

2.1 Ang pa-raffle ay gaganapin sa November 1, 2016.

2.2 Mayroong 10 na Giftcard na ipamimigay na nagkakahalaga ng 5,000 yen kada isa.

2.3 Sa kada magra-raffle ay entitled sa isang Giftcard na worth ¥5,000

2.4 Ang premyo ay ipapadala ng mga isang linggo matapos ang pa-raffle.

2.5 Sa kada participant ay maaring manalo ng isang beses lamang o isang Giftcard.

2.6 Ang resulta ng pa-raffle ay ia-announce sa portal Japino.net

To Top