News

ROBOT NA MAY ARTIFICIAL INTELLIGENCE

Ang Robot na gumagamit ng artificial intelligence technology ay ibebenta ngayong taglagas sa Japan. Ang Takara Tommy ay nag develop ng COZMO robot na maaaring makapag express ng kanyang nararamdaman at may mahigit na 1000 expressions at gestures, kaya’t posible ang pakikipagusap sa mga tao. Ang Cozmo robot ay nakakagalaw ng kusa at alam basahin ang expressions ng mga tao at may kakayahang mag identify ng mga bagay o hayop. Ibebenta ang Cozmo simula September 23 na may presyo na 26,980 yen (value without tax). Nagsimula na din magbenta ang Toyota ng kanilang Kirobo robot noong May, na may kakayahang matutong makapagsalita.

Source: ANN News

To Top