General

SAITAMA: Giant Swing

Isang bagong attraction ang binuksan sa Chichibu City sa probinsya ng Saitama. Ito ay isang swing na naihahalintulad rin sa isang bungee jumping. Ang malaking swing ay tinatawag ba “Canyon Swing” na mayroong 57 metro sa taas at 60 km/hour ang bilis. Tumatagal sa 3 minuto ang ride experience. Ayon sa isang reporter, maganda ang experience na parang lumilipad habang natatanaw ang magandang tanawin.


Ang attraction ay maaari lamang para sa mga walang sakit at nasa higit edad 15 na may taas na 140 cm.
Ang ride experience ay nagkakahalaga ng ¥10,000 at kinakailangang i-book ang reservations via phone:
050-5305-6176


Source: ANN News

SAITAMA: Giant Swing
To Top