Accident

SUSPECT ON MASS KILLING BELIEVES TO BE INSANE!

Habang patuloy na ini-imbestigahan ng mga pulisya ang motibo sa pananaksak na nangyari sa isang clinic para sa mga “special people” sa Sagamihara-shi. Lumalabas ang konklusyon na maaaring nababaliw na rin ang suspek o di kaya ay nawawala na sa katinuan ayon sa mga nakalap na report sa imbestigasyon mula sa mga taong malalapit at paligid ng suspek.

Ano nga ba ang nangyari sa suspek na ayon sa nakakarami ay dating napakabait at matulungin na tao?

Si Satoshi Uematsu, 26 taong gulang at mag-isa na sa buhay ay nagtrabaho bilang caretaker o caregiver sa nasabing clinic noong taon ng 2012. Pangarap nyang maging educator at sumunod sa yapak ng kanyang ama na isa ring educator. Pero Simula ng lisanin ng kanyang mga magulang ang kanilang tirahan, at naiwan syang magisa. Doon na kinakitaan ng pagbabago sa kilos ng suspek.

Ayon pa sa report- sinabi ng suspek na “ Ang mundo ay magiging maayos lamang kung lahat ng mga disabled at “special people” ay mawawala!”

Simula noon ay nagbago na ang supek, naging bayolente ito. Na syang nagging dahilan upang sapilitang ipasok sa hospital ang suspek upang suriin ang kanyang pagiisip na kung saan ay napag-alaman na isa palang marijuana user ang suspek.

Karamihan sa mga biktima ay nagtamo ng matinding saksak sa bandang ulo at leeg na syang dahilan kung bakit karamihan ay binawian na ng buhay. Naitala sa report na 19 ang kumpirmadong patay habang 25 katao naman ang lubhang nasugatan sa insidente.

Source: ANN News

#JAPINOY #JAPINONET

To Top