Crime

SUSPECT SA PAGPATAY SA JAPANESE TOURIST SA COLOMBIA

Noon November ng nakaraang taon, isang Japanese student ng Hitotsubashi University ay pinatay sa siyudad ng Medellin ng Colombia.

Si Ryo Izaki, isang 22 taong gulang na estudyante, ay nagto-tour nang siya ay ninakawan at binaril hanggang sa mamatay dahil pumalag ito nung siya ay ninanakawan.

Ang Local police ay hinalughog ang bahay ng isang lalaki dahil sa illegal possession ng mga armas at dito nila natagpuan ang isang revolver na maaaring ginamit nito sa krimen.

Ang 19 taong gulang na lalaki ay agad na inaresto sa suspicion of murder.

Source: ANN News

To Top